Nalandangan (Yung dapat na Handout)
MGA MALI AT KULANG SA REPORT (Decreasing importance)
Ang Pangalawang Mahiwagang Kagamitan ni Imbununga
- Taklubu na may taglay na malakas na buhawi.
Ang Pangalan ni Tomulin
- Sinabi sa report na Tolumin ang pangalan, pero ito’y mali. Tomulin ang tamang spelling.
Kung Paano Napa-crashlanding ni Imbununga si Matabagka
- May kapangyarihan pala siya sa hangin.
Ang Ina ni Agyu
- Ang pangalan niya ay Undayag. Siya ang unang nag-alala para kay Agyu, at ang nagsabi kay Matabagka na kausapin si Agyu.
Ang Bag ni Matabagka
- Ang tawag dito ay Libon. Handbag ng mga babaeng Taga-Bukidnon.
MGA PANGALAN
Mga Pangunahing Katauhan
Matabagka – Babaeng kapatid ni Agyu, na naisip ayusin ang problema na si Imbununga.
Imbununga – Taong kinakatakutan ni Agyu, dahil aatakihin niya ang Nalandangan gamit ang dalawa nyang mahiwagang kagamitan.
Mga Katauhang Wala Masyadong Ginawa
Datu Agyo/Agyu – Datu na namamahala sa Nalandangan
Undayag – Ina ni Agyu.
Tomulin – Alagad ni Agyu na inutusang hanapin si Matabagka matapos siyang umalis.
Mga Lugar
Nalandangan – Pangalan ng lugar kung saan nanatili si Datu Agyu matapos ang epikong “Agyu”
Aplaya – Kung saan nangyari ang laban ni Matabagka sa mga alagad ni Imbununga. Dito siya nahanap at naligtas ni Tolumin.
Mga Mahiwagang Kagamitan
Sulinday – Salakot ni Matabagka. Ginagamit para makalipad.
Nganga – Ibinigay ni Matabagka sa mga nasawi sa Aplaya. Lahat ay nabuhay.
Baklaw ni Imbununga – Isa sa dalawang kinakatakutan ni Agyu. Nagpapalabas ng ipu-ipu.
Taklubu ni Imbununga – Ang pangalawang kinakatakutan ni Agyu. May taglay na malakas na buhawi.
PLOT
Nag-aalala si Datu Agyu dahil narinig niyang aatake si Imbununga. Takot siya dahil sa mahiwagang kagamitan ni Imbununga
Pagkatapos malaman ni Matabagka ang problema galing kay Agyu, sinabi nyang madali lang ayusin ang problema. Hindi pinayagan ni Agyu si Matabagka sa gagawin niya.
Makulit si Matabagka. Siya ay nagpaka-kikay at lumipad patungo kay Imbununga gamit ang Sulinday.
Nung malaman ni Agyu na nawala si Matabagka, pinahanap niya kay Tomulin at ang kanyang mga sundalo.
Dumating si Matabagka sa Palasyo ni Imbununga. Nagpanggap siyang naghahanap ng daan patungong Nalandangan. Nagkagusto sa kanya si Imbununga. Sinabi kay Matabagka na hindi siya makakaalis sa Palasyo hangga’t hindi siya umo-oo kay Imbununga. Kinasal silang dalawa.
Nalaman ni Matabagka maya-maya kung nasaan ang mga mahiwagang kagamitan ni Imbununga. Binigyan niya ng pampatulog si Imbununga, at ninakaw ang mga kagamitan. Matapos ay tumakas siya gamit ang Sulinday.
Nagising si Imbununga, at pinasugod ang kanyang mga sundalo kay Matabagka. Pina-crashlanding niya si Matabagka, pero inutusan ang mga sundalo na huwag susugatan. Nagsimula ang laban sa Aplaya.
Namamatay ang mga alagad ni Imbununga, at maraming araw ang lumipas. Pagod na si Matabagka, pero nakatakas dahil sa pagdating ni Tomulin at ang kanyang mga sundalo.
Kinwento ni Matabagka ang mga nangyari sa kanya kay Agyu. Matapos malaman ni Agyu na nag-asawa na sila, mas nagustuhan niyang makipagkasundo kay Imbununga.
Nag-usap sina Agyu at Imbununga sa Aplaya, at nakipagkasundo, sa kundisyon na ibabalik ang kanyang mahiwagang kagamitan.
Sila’y nagkasundo na, ngunit hindi sila marinig nga mga sundalong naglalaban sa Aplaya. Kaya pinatay silang lahat ni Imbununga gamit ang kanyang mga mahiwagang kagamitan.
Nahinayang silang lahat dahil sa dami ng namatay, pero binigyan ni Matabagka ang nasawi ng mahiwagang nganga. Lahat sila’y nabuhay muli. Lahat sila’y tumungo sa Nalandangan.
HAPPY END.
BATAS PANLIPUNAN
1. Maghanap muna ng mga “Peaceful Resolution” sa mga away.
2. Mag-alala para sa mga Kapatid o Pamilya.
3. IPAGLABAN ANG PAGMAMAHAL.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home